
Philhealth Konsulta: Konsultasyong Sulit at Tama
At your service po:
Dumalo si Konsehal Bong Urieta, bilang chairman ng Committee on Health at kinatawan ni Mayor Andy Dangeros, sa isinagawang paglulunsad ng Philhealth Konsulta: Konsultasyong Sulit at Tama sa Siburan Hall, 3rd Floor, Municipal Building, noong Martes, October 26.
Katuwang ang pamahalaan ng Sablayan at Municipal Health Office upang mapili bilang magiging kauna-unahang Konsulta Health Provider sa buong lalawigan.
Layunin rin ng nasabing programa na ang bawat mamamayan ng Sablayan ay maging miyembro ng Philhealth sa tulong na ng mga Punong Barangay, at upang matugunan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan sakaling sila ay magkasakit at maospital.
Dinaluhan rin ng mga sumusunod na opisyal ang naturang paglulunsad: Atty. Jerry F. Ibay (Regional Vice-President Philhealth PRO IV-B Batangas City); Michael Suarez (Philhealth Konsulta Focal Person); Connie M. Arteza (LHIO Head, Occ. Mindoro); Buena Fe F. Quaiatchon (OIC-Municipal Administrator); Dr. Meldie D. Soriano; Rolando Perez (Tuban, Brgy. Captain) na kumatawan kay ABC President Fermando Baliao Jr. at SB Member JB Ani-Dawates.
Nagpaabot din naman ng suporta sa nasabing paglulunsad ang mga miyembro ng Sablayan MPS, RMFB, Philippine Army, at Special Action Force at nangakong magiging kaatuwang sa magandang layunin ng programang ito.
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan