Skip to main content

PINAG-IBAYONG SERBISYO, HATID NG TEAM GANADO


Pinangunahan nina Gobernador Eduardo B. Gadiano, Vice- Mayor Bong B. Marquez at Board Member Edwin N. Mintu ang paghahatid ng mga batayang serbisyong kailangan ng mga mamamayan ng Sablayan, Agosto 25- 26.
Kabahagi din sa 2 araw na aktibidad sina SBM Alfredo C. Ventura, Jr., SBM Robert Z. Dawates, SBM Mark Anthony O. Legaspi, SBM Marffin B. Dulay, PMAJ Clarinda A. Lorenzo, Manager Ted Soria, PGO Consultants Manuel P. Tadeo, Fernando B. Dalangin at Health and Women’s Empowerment Advocate Conchita “Ate Enie” H. Dimaculangan.
Tampok dito ay ang pagkakaloob ng insentibo ng Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars para sa una at ikalawang kwarter ng taon. Tinanggap din ng 204 na taga- Sablayan ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Sila ang mga dumulog ng kanilang pangangailangan sa PGO Sablayan Sub- Office at Tanggapan ng Ikalawang Punong Bayan. Pinangasiwan ng Department of Social Welfare and Development at Office of the Provincial Social Welfare and Development ang gawain.
Naipagkaloob din ang ayudang relief goods mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office at Pitmaster Cares para apektadong pamilya ng kalamidad para sa Sitio Pandan- Taluntunan, Senior Citizens at Person With Disabilities ng Barangay Claudio Salgado at San Nicolas at gayundin sa Barangay Ilvita. Kaagapay din ang Provincial Social Welfare and Development Office sa tagumpay ng proyekto.
Pasasalamat naman ang tugon ng lahat sa mga tulong na ito. Anila, ito ang tunay na serbisyo.
Nakiisa rin ang grupo sa programa ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan o ang Establishment of Tree Parks sa Barangay Claudio Salgado bilang tugon sa hamon ng pagbabago ng klima at pangangailangan proteksyunan ang Inang Kalikasan. Sa pangangasiwa ito ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office at Municipal Environment and Natural Resources Office.
Naipaabot din ng Gobernador ang kalagayang pang pinansyal ng kapitolyo at kung papaano bibigyang prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga proyekto at programang kailangan sa Mas Maunlad na Sablayan at Occidental Mindoro.

« of 3 »
Official Website of Sablayan Legislative Office