PROJECT LAGING NA-REIAN, MULING UMARANGKADA


Hatid ay tuwa at saya sa pag-arangkadang muli ng Project Laging Na-Reian sa pakikiisa ng Office of the Vice-Mayor Bong Marquez at Odie Tarriela sa sunod-sunod na pagpunta nito sa mga komunidad, paaralan at katutubong pamayanan ng Sablayan, Occidental Mindoro, Oktubre 16-24, 2021.
Ang Project Laging Na-Reian ay isang non-government, non-profit organization na binuo ng grupo ng makakaibigan mula sa bayan ng Sablayan noong 2012 na layong palakasin ang pagkatuto ng mga bata lalo na sa pagbabasa.
Bukod sa storytelling, art workshop at film showing ay nagkaroon din ng mga palaro, pa premyo, pamamahagi ng mga bitamina at gamot mula kay Vice-Mayor Bong Marquez. Mga unan naman ang kanilang natanggap mula kay Odie Tarriela. Ang mga school supplies ay nanggaling naman sa Bueno Family at mga tsinelas ay pinamahagi buhat kay Julie Fe Robedillo.
“Sobrang napasaya n’yo po kami”, ito ang tugon ni Lovely Dosujan ng Barangay Ibud sa pagpunta ng proyekto sa kanilang lugar.
Inaabangan naman ng madla sa mga susunod na araw ang pagpunta ng Mobile Library sa mga piling lugar ng bayan.

« of 4 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office