Skip to main content

Proyektong pangbarangay ng Barangay San Agustin


SbBongInAction I Malaking tulong sa mga barangay ang mga kalsadang nagkokonekta at nagsisilbing daanan para sa madaling paglabas ng mga produkto sa lugar.
Sa pangunguna ng ating Mayor Andres Dangeros nagkaroon ng katuparan ang proyektong pang barangay ng Barangay San Agustin sa pamamahala ni Kapitana Yolanda Patingan at ng kanyang buong konseho.
Ang proyektong ito ay mula sa Municipal Community Driven Development Program (MCDDP). Ilan rin sa mga dumalo at sumaksi sa pagpapasinaya ay sina Konsehal Bong Urieta, Konsehal Greg Villar, Konsehal JB Dawates, Konsehal Obet Lim, ABC Pres. Fernando Baliao Jr. at Planning and Development Officer Luzviminda Alto.
Ang ating mga masisipag na magsasaka ang isa sa matutulungan ng mga ganitong uri ng proyekto na mula sa ating Lokal na Pamahalaan.
#konseOne
#anakngsablayan
#unalagiangbayan

Official Website of Sablayan Legislative Office