PUP Sablayan 8th Commencement Exercises, Dinaluhan ni Governor Ed

Dumalo at nagpakita ng suporta ang ating Ama ng Lalawigan Governor Ed Gadiano sa ginanap na 8th Commencement Exercises ng Polytechnic University of the Philippines Sablayan Branch nitong ika-06 ng Oktubre.
Buong pusong pagbati mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ed ang ipinapaabot sa lahat ng mga nagsipagtapos para sa taong ito.
Dumalo naman si Congressman Leody “Odie” Tarriela bilang Commencement Speaker. Kasama rin sina Vice Governor Diana Apigo Tayag, Municipal Administrator Mr. Arman Novio bilang kinatawan ni Mayor Walter B. Marquez, Sangguniang Members Hon. Conchiita H. Dimaculangan at Hon. Clarinda A. Lorenzo.
Lubos na pasasalamat rin kina PUP President Dr. Manuel M. Muhi, Executive Vice President Prof. Alberto C. Guillo, PUP Sablayan OIC Director Ms. Leine S. Alcaraz, at sa lahat ng instructor at coordinator ng paaralang ito.

« of 3 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office