
REHABILITATION OF GUIRON CREEK
“REHABILITATION OF GUIRON CREEK”
Sa panahon ng matinding kalamidad, nagbubunga ito ng pagbulusok ng mataas na dami ng tubig na nagmumula sa bulubundukin ng Sitio Macambang at karatig na mga sitio sa Barangay Buenavista na siyang palagiang sanhi ng mabilis na pag-apaw ng ilog partikular na ang kahabaan ng Guiron Creek. Resulta nito ay ang matinding pagbaha at paglubog ng mga kabahayan, establisyemento, at mga pangunahing daan sa bayan. Dahil dito, lubhang apektado ang mga mamamayan at negosyante dahil sa pag-apaw ng tubig sa Guiron Creek lalo na sa P. Urieta, Kalye Dangeros, Kalye Q. Ordenes at karatig na mga kalye rito. Palaging dumadaing ang mga tao dahil sa pagpasok ng tubig sa kanilang mga bahay at lugar na pinagtatrabahuhan kasabay ng mga motoristang nahihirapan bumiyahe dahil sa mataas na baha sa mga daan.
Ang mga problemang ito ba ay inaksyunan ni Mayor Andy?
Ang hirap na dinaranas ng mga kababayan sa paligid at karatig sitio nito ay batid ni Mayor Andy kung kaya’t kanyang isinagawa ang pagpapaayos at rehabilitasyon nito na may sistematikong programa, Inumpisahan ang by-PHASE Construction nito noong 2019. Ang halaga ng nasabing proyekto ay Php.6,124,354.00 para sa Phase 1, Php.870,000.00 para sa Rechanelling, Php.3,989,870.00 para sa Phase 2, Php.7,305,904.95 para sa Phase 3, at Php. 3,490,000.00 naman para sa Phase 4.
Sa tulong ng proyektong ito, maiiwasan na ang pagtaas ng tubig na sanhi ng palaging pagbaha sa mga karatig na kabahayan at daan sa kahabaan ng Guiron Creek at pati ng iba pang mga nalalapit na apektadong lugar. Kasabay na rin nito, dahil sa isinigawang rehabilitasyon ay nagkaroon ng kalinisan sa ilog dahil natanggal na ang mga makakapal na puno at damo pati na rin ang mga basura.