RELIEF MISSION: LALAWIGAN AT SI ODIE, TUMULONG


Pag-asa sa gitna ng kalamidad. Ito ang nagkakaisang reaksyon ng mga mamamayan ng Barangay Claudio Salgado at Ilvita sa pagdating ng Serbisyong Ganado ni Gobernador Eduardo B. Gadiano at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oksidental Mindoro sa pangatlong araw ng baha dahil sa bagyong Fabian at pinalakas ng habagat, Hulyo 24.
Nakarating din sa kaalaman ni Leody “Odie” F. Tarriela ang suliraning ito. Si Odie ay isang civic leader, batang San Vicente, Sablayan at handa nang maglingkod sa lalawigan. Agad siyang nagpadala ng inisyal na P51,000 para makabili ng bigas, gasul, sardinas at iba pang kailangan ng mga taga- Sablayan.
Sina Bise- Meyor Bong B. Marquez, Board Member Edwin N. Mintu, Sangguniang Bayan Alfredo C. Ventura, Jr., Mark Anthony O. Legaspi, Marffin B. Dulay, E/A PMAJ Clarinda A. Lorenzo, PGO Consultants Manuel P. Tadeo at Fernando B. Dalangin ang kumatawan sa Gobernador at kay “Oksi Odie” na nasa kahalintulad na aktibidad sa ibang bayan ng lalawigan.
Nagkaloob din ang Office of Civil Defense sa pamamagitan ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council ng mga tubig na kailangan sa evacuation centers. Naihatid din ito ng Team Ganado.
Hindi naging hadlang sa Team Ganado sa Mas Maunlad na Sablayan ang baha. Nilibot nila ang buong pamayanan gamit ang rubber boat, bangka at traktora, maihatid lamang kailangang pagkain ng mga tao sa evacuation centers at maging sa mga kabahayan.
Nakipag- ugnay konsultahan din ang mga lokal na mambabatas sa mga opisyales ng barangay at ibang lider komunidad sa mga posibleng interbensyon upang maibsan ang suliraning ito na lubhang nagpapahirap sa Claudio Salgado at Ilvita sa matagal ng panahon, lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Kasama sa prayoridad na gawain nina Marquez, Mintu at ng buong grupo ay ang pagdulog sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ng mga epektibong solusyon sa problema at kung papaano magkakatulungan.
Ang paghahanda ng pagkain ng disaster response team ay pinangasiwaan ni BM Mintu. Siya mismo ang nagluto nito at labis na hinangaan ng lahat.
Ito ang sadyang kailangan ng Oksidental Mindoro sa panahon ng kalamidad- ang pagdadamayan.
Bahagi din ng 98th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Sablayan ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa mga pangyayaring ito.
Nagpasalamat din sina Kapitan Julio M. Sampilo ng Ilvita at Kapitan Rodrigo J. Nuñez at Claudio Salgado sa tulong ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council at ng Kapitolyo ng Occidental Mindoro.
Tumulong din ang Rotary Club No. 3810, Sablayan Metro sa pangunguna ni Manuel P. Tadeo, (Life Changing President) at gayundin ang pamilya nina Artem Lopez at Jaime Estuesta na nagpahiram ng traktora para masiguro ang paghahatid ng tulong.

« of 4 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office