Skip to main content

RESPONDE SA PANAHON NG KALAMIDAD, APROBADO


Kagyat na inalam nina Bise- Meyor Bong B. Marquez, Board Member Edwin N. Mintu at Sangguniang Bayan Alfredo C. Ventura, Jr. ang aktwal na kalalagayan ng mga residente ng So. Taluntunan- Pandan sa Claudio Salgado sa kasagsagan ng baha dahil sa epekto ng bagyong Fabian at habagat.
Bagama’t marami ang nagsilikas, ngunit ang iba ay piniling manatili sa lugar para siguraduhin na nasa kaayusan ang kanilang kagamitan, ari- arian, mga hayop at iba pa. Hindi na rin bago ang ganitong mga pangyayari, ngunit sa kasaysayan ng mga pagbaha, ito ang pinakamalakas at pinaka- matagal humupa.
Bukod sa So. Pandan, nakipag-ugnay- konsultahan din sina Marquez at Mintu sa mga taga-Barangay Tagumpay, Ibud at Victoria sa parehong suliranin ng pagbaha. Inisyal ding siniyasat ang epekto ng landslide sa Barangay San Agustin at Lagnas.
Dininig din ng mga lokal na mambabatas ang pangangailangan ng flood control, evacuation center o ng relokasyon, mga binhi at abono para sa muling pagtatanim pagkatapos ng baha. Inaasahan na mag-aakda ang mga nabanggit na opisyal ng mga resolusyon at mga kaukulangan polisiya bilang tugon sa problemang ito.
Kinatawan din Bise- Meyor Bong B. Marquez, BM Edwin N. Mintu, Konsehal Alfredo C. Ventura, Jr., Konsehal Mark Anthony O. Legaspi, E/A PMAJ Clarinda A. Lorenzo, Consultants Manuel P. Tadeo, Fernando B. Dalangin at Conchita H. Dimaculangan si Gobernador Eduardo B. Gadiano sa pamamahagi ng relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro.
Ang mga evacuee ng So. Pandan, Claudio Salgado, Barangay Tagumpay, Ibud, Victoria, Sto. Niño, Poblacion at So. Tabtaban, Barangay Tuban ang mga natulungan ng PDRRMC relief operations.
Ayon kina Kagawad Metchie L. Daprosa, Kagawad Jerry Dangeros, Kapitan Victor B. Fabros, Kapitana Eliza DJ. Obina, lubos nilang ipinagpapasalamat ang tulong na ito sapagkat ang mga nagsilikas at mga dinatnang tahanan ng mga kaibigan o kamag-anak ay nangangailangan din ng pagkain.

« of 4 »
Official Website of Sablayan Legislative Office