Sa aking mga minamahal na kababayan – VM Bong Marquez

Malugod ko kayong binabati ng ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ng ating bayan ng Sablayan. Nawa ang okasyong ay humamon sa atin na patuloy na maglakbay bilang isang matibay na pamayanan tungo sa maunlad at progresibong bukas.
Maging inspirasyon nawa natin sa panahong ito ang tapang at pagsusumikap ng mga ninuno at mga naunang tao ng Dongon na lagpasan ang mga masasamang pangyayari noon tulad ng pananalakay ng mga pirata, panununog ng mga pamayanan, mga salot at peste sa pananim, pagmamalabis ng mga namumuno at laganap na kahirapan.
Kung kanila itong binaka noon nang walang takot, kaya rin natin ito ngayon. Patuloy tayong magsisikhay sa harap ng pandemya, sa lumalala at nakababahalang pagbabago ng klima na nagdudulot ng mga sakuna, sa tradisyunal na pamumulitika, sa epekto ng Rice Tariffication Law, at laksan-laksang iba pang problema.
Kaya natin ito. Gagabayan tayo ng ala-ala at dakilang pagsusumikap ng mga sinaunang naninirahan dito sa mahal nating Sablayan.
Tandaan natin, sa ating pang araw-araw na paggampan sa kapakanan ng bayan, araw-araw din natin itong itinatatag sa ating puso, pagkatao at sa ating kasaysayan.
Muli, ang aking pagbati.
Vice-Mayor Bong Marquez


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office