Skip to main content

SABLAYAN TO ORIENTAL MINDORO ROAD, TULOY NA


Nagsagawa ng pagbisita sina Vice- Mayor Bong B. Marquez, SBM Mark Anthony O. Legaspi at IPMR Ruben C. Aldaba sa tulay ng Ilog Aglubang sa hangganan ng Sablayan, Occidental Mindoro at Victoria, Oriental Mindoro, Disyembre 3.
Ang STX Enterprises/ Equiparco Joint Venture ang kontraktor nito at ayon sa kanila, matatapos na ito sa hindi magtatagal na panahon.
Bahagi nito, (Road Opening of Sablayan- Victoria Cross Road o ang Pag-asa, Sablayan, Occidental Mindoro- Alcate, Villa Cerveza, Victoria, Oriental Mindoro Road) ay may habang 61.43 kilometro sa pangarap ng mga taga- Sablayan na magkaroon ng mabilising akses sa kapatid na lalawigan.
Samantala, iginiit din ni Marquez sa Department of Public Works ang Highways ang pagkakaroon ng Environment Compliance Certificate at Free Prior Informed Consent upang siguruhin ang pagsasaalang- alang ng mga importanteng salik sa pagpapatupad ng pang- kaunlarang proyekto. Anya, dapat tumulong ang mga Lokal na Pamahalaan ukol dito.

Official Website of Sablayan Legislative Office