Skip to main content

Women’s Center, Pinasinayaan

WOMEN’S CENTER, PINASINAYAAN
Tuluyan nang pinasinayaan ang Sablayan Women’s Center sa Brgy. Sto. Nino Sablayan mula sa pondo ng tanggapan ni Sen. Threresia “Risa” Hontiveros na pinamahalaan ng DPWH, ika-25 ng Enero, 2022.
Ito ay dahil sa pagsusumikap ni Vice-Mayor Bong Marquez at sampu ng Sangguniang Bayan sa pagsusulong at pag-aaproba ng Resolution No. 2019-II-SDM056 na humihiling sa nasabing pasilidad para sa mga kababaihan ng Sablayan.
Matatandaan na noog taong 2019, personal na naka-usap ng mga mambabatas ng bayan ang senadora para sa tuluyang pagpu-pondo nito na inasikaso naman ng maayos ng senadora. Dahil sa kalakhan ng bilang ng mga mamamayan dito ay mga kababaihan, layon ng proyekto na nagkaroon ng tukoy na suporta para sa kanila ang pamahalaang pambansa. Ito ay magsisilbing pook-linangan at libangan ng mga samahang kababaihan, kabilang na ang ibang kaakibat na sektor.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni VM Bong na ang gusali ay magiging sentro ng pagbibigay kapangyarihan sa mga babae at kababaihan at ng gender development na dapat lamang na ipagpatuloy at bigyan ng mataas na pagkilala bilang daan ng progreso ng bayan. Matibay na nananalig si VM Bong na kapag ang mga kababaihan ay kalahok sa pag-unlad, pinapanday na natin ang isang matatag na bukas. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 10 milyong piso mula sa national budget na ang tanging counterpart lamang ng local na pamahalaan ay ang lupang kinatatayuan nito.
Ang pagpapasinaya ay dinaluhan nina Governor Eduardo B. Gadiano, Congresswoman Josephine Ramirez-Sato, Mayor Andres D. Dangeros, Vice-Mayor Walter “Bong” B. Marquez, SB Kristofferson V. Urieta, SB Alfredo “Junjun” C. Ventura, SB Gregardro A. Villar, SB Ruzhell Jaebee Ani-Dawates, SB Mark Anthony “Mcking” O. Legaspi SB Robert C. Lim, SK Pres. Marffin B. Dulay, ABC Pres. Fernando L. Baliao at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Sablayan.
Official Website of Sablayan Legislative Office