
Sablayeñong Environmental Journalists Kinilala
Matagumpay na nagsipagtapos ang mga kabataang Sablayeño na kinatawan ng lalawigan sa ginanap na Month-long Virtual Media Training and Capacity Building Workshop on Environment Journalis for Young Journalists o Green Beat Islas sa pakikipagtulungan ng Young South East Asian Leaders Initiative (YSEALI) ng US Embassy, The Association of Young Environmentalists Journalists (AYEJ) at Office of the Vice-Mayor sa pangunguna ni Vice-Mayor Bong B. Marquez, Mayo 27, 2021.
Umabot sa limang linggo ang pag-aaral sa pagsusulat para ipagtanggol ang kalikasan. Produktibo at positibo naman ang pananaw ng mga kabataang nahubog sa pagsasanay. Itinuro sa kanila ang mga wasto at dapat gawin bilang isang manunulat para ipagtanggol ang kalikasan na siya nating tahanan.
Kinilala sina Ian Mark Angan-Angan, Hanna Mae Baduyen, April Grace Bautista, Mark Alven Cadapan, Ma. Christine Cairo, Polla Maxine Curammeng, Maria Luisa Inovejas, Joana Marie Licop, Edciel Lontoc, Maria Aura Crisha Macawili, Rica Faye Rellon, Marvin Rieza, Ma. Eloisa Subiel at Erica Joy Ungria.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni VM Marquez, “ang Environmental Journalism ay isang mabisang paraan upang maitaas ang kamalayan patungkol sa climate change na ating nararanasan, maunlad na pagtalakay at iba pang mga patakaran at pagkilos para sa kalikasan”. Ipinaabot din niya ang pasasalamat US Embssy Manila, YSEALI AT AYEJ sa pagbukas muli ng pinto at oportunidad para sa mga ganitong proyekto sa Occidental Mindoro partikular sa Sablayan.
Dumalo rin sa pagtatapos sa pamamagitan ng Zoom sina Chairman of the Board Association Ryan Louie Madrid at Executive Director Val Amiel Vestil ng AYEJ.
Ito na ang ikatlong programa ng US Embassy Manila at ng Office of the Vice-Mayor. Mula sa One Baby, One Tree Project sa Sablayan noong 2015, Ecomentary Project noong 2018 at ang The Green Beat Islas ngayong 2021.
Ang naturang programa ay pinunduhan ng US Embassy Manila kapartner nito ang Office of the Vice-Mayor ng Sablayan.