Skip to main content

SAMA-SAMA NATING ITAYO ANG BAHAY NI MANILYN MALABANAN


Sa paglalakbay sa buhay na puno ng pagsubok ay hindi dapat tayo papatalo dahil lahat ay malalabanan.
Sabi nga, walang pagsubok na ibinigay sa atin na hindi natin kayang mapagtagumpayan.
Si Manilyn Malabanan ng Barangay San Agustin, isang PWD, may limang anak na pawang maliliit pa at hiwalay sa asawa, ay nangangailangan ng tulong sa kasalukuyan upang magkaroon ng munting bahay.
Sa kakulangan at wala nang ibang malipatan, ay pumukaw ang pagnanasang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Tulungan po natin silang magkaroon ng bago at maayos na tahanan na sana ay
maitayo sa lalong madaling panahon.
Ito po ang kanilang pangangailangan materyales:
• Hollow Blocks 350 pieces, #4
• Cement, 25 bags
• Steel Bars 15 pieces- 10mm, 5 Pieces- 9mm
• Buhangin, 2 truck load, mixed
• Yero, GI Sheet, 6 pieces 8 ft, 6 pieces 10 ft
• Pako 2 kl #1, 2 kl #3, 2 kl #4
• Umbrella Nail 2 kl
• Kawad 4 kl #12
• Palup, 3 pieces
• Liso 13 pieces size 4×8
• Labor Cost para sa foreman
Magbahagi po tayo ng ating mga natanggap na pagpapala mula sa Diyos.
Inaasahan po ang inyong tulong.

 

Official Website of Sablayan Legislative Office