
SbBongInAction I Kasanayang Pangkabuhayan (Dressmaking Training)
SbBongInAction I Kasanayang Pangkabuhayan (Dressmaking Training) na ginanap sa Barangay Lagnas na pinamumunuan ni Kapitan Bonifacio Paulino. Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan sa pangunguna ng ating masipag na Punong Bayan Andres Dangeros at Public Employment Service Office sa pamumuno ni OIC Jimuel Valentin. Kasama sa nasabing okasyon sina Konsehal Bong V. Urieta, Konsehal JB Dawates at ilan sa mga kasamahan sa paglilingkod. Kasabay nito ang pagbibigay ng sertipikasyon kay Mam Benita Calcaña na siyang tumayong tagapagsanay sa pagsasanay sa paggawa ng damit.
#konseOne
#anakngsablayan
#unalagiangbayan