Skip to main content

SbBongInAction I Pagdinig ng Komite sa mga pangangailangan at mga suliranin ng ating mga kasamang IP’s


SbBongInAction | Pagdinig ng Komite sa mga pangangailangan at mga suliranin ng ating mga kasamang IPs na kinakailangan ng agarang solusyon. Ilan rito ay ang katayuan at pag-update sa aplikasyon ng sertipiko ng titulo ng lupa ng mga Mangyan -Batangan Sub Tribe, sila ay ang mga tribu na naninirahan sa nasasakupan ng Sablayan malapit sa hangganan ng Victoria, Oriental Mindoro at gayundin din ang katayuan ng Mangyan Tao-Buid Sub Tribe. Kasama din sa pagdinig ang ordinansang nagbabawal sa negosasyon ng pagbebenta at lilipat o anumang kilos na maaring humantong sa pag-aari ng anumang bahagi ng lupaing ninuno sa munisipalidad. Tinalakay rin dito ang pamunuan ng Tagmaran Mangyan Tao-Buid Administrative Unit at ang petisyon sa pagbuo ng panibagong pamunuan ng Tagmaran at sa huli ay ang ordinansang pagbubuo ng institusyon sa pangangasiwa at pagpapatakbo ng Indegenous People’s Affairs Office sa bayan ng Sablayan.
#konseOne
#anakngsablayan
#unalagiangbayan

Official Website of Sablayan Legislative Office