Serbisyo Caravan, Hatid ng Tambalang TGT sa Bayan ng Sablayan

Pagkatapos ng matagumpay na pamamahagi ng serbisyo caravan sa ibang bayan ng lalawigan, nagtungo naman ngayong araw ika-07 ng Oktubre, upang mamahagi ng serbisyo caravan ang pinagsama-samang pwersa nina Congressman Leody F. Tarriela, Governor Ed Gadiano, at Vice-Governor Diana Apigo-Tayag kasama si Sangguniang Panlalawigan Hon. Ryan Gadiano Sioson, dito sa bayan ng Sablayan.
Kaalinsabay ng ika-100 days sa panunungkulan ng tatlong pinakamataas na lider ng ating lalawigan, at kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Congressman Leody kamakailan lamang, ay ibinaba niya ang pamamahagi ng tulong para sa ating kababayang mindoreño katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno tulad ng DA, DOLE, DSWD at DOH.
Ang mga nasabing tulong na ito ay ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Rice Farmer’s Financial Assistance (RFFA), Tulong Pangkabuhayan sa Displaced Workers (TUPAD), at COVID Vaccination and Free Check up. Namahagi rin ng cash assistance at mga binhi mula sa DA, food packs at educational assistance mula sa DSWD.
Nagpakita rin ng suporta para sa gawaing ito sina Mayor Walter “Bong” Marquez , Board Member Ryan G. Sioson at Buenavista Barangay Captain James Zubiri.
#SerbisyoCaravan

« of 2 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office