
SLAUGHTERHOUSE NG SABLAYAN, NATAPOS NA
Tuluyan nang iginawad sa Lokal na Pamahalaan ng Sablayan ng National Meat Inspection Services (NMIS) – Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Turn-over and Inauguration of Municipal Slaughterhouse sa Sitio Agsuli, Sto. Niño, Sablayan, Occidental Mindoro, Oktubre 27, 2021.
Matatandaan na noong kapanahunan ni Gov. Eduardo B. Gadiano, na noon ay alkalde pa ng Sablayan at ni VM Bong Marquez na noon ay konsehal pa lang, ipinanukala na sa National Meat Inspection Service (NMIS) ng DA ang pagpapatayo ng isang “AA” Slaughterhouse Facilities sa Sablayan at matapos nga ang limang taon, sa wakas ay nagkaroon na nga ito ngayon ng pasinaya at pagsasalin ng pamamahala.
Ayon kay VM Bong sana ay magsilbing bantayog sa kaunlaran ng Sablayan ang Slaughterhouse lalo na sa kagalingan ng mamamayan. Idinagdag naman ni Acting Director NMIS – Dr. Orlando C. Ongsotto ng NMIS na napakapalad ng Sablayan dahil sa anim na munisipyo lang kada taon ang napopondohan ng ganito sa buong bansa. Ipinaliwanag din ng Ongsotto na ito ay bunga ng pagsisikhay ng mga opisyales na naunang nakaisip, humiling at umasikaso ng proyekto na ngayon ay tatamasahin na ng bayan.
Sinabi naman ni Gov. Ed, sa kanyang pagbabalik-tanaw sa prosesong dinaanan nito bago ito natupad, “Hindi madali ang napagdaan ng bayan ng Sablayan para ito makuha. Matatandaan na noon pa man sa kanyang panahon bilang mayor ito ikinasa at sinimulan pero ngayon lang natapos.
Noon pa man ay pangarap na rin ni VM Bong na magkaroon ng sariling Office of the Municipal Veterinarian at Office of Local Economic and Investment Promotions na susuporta ay susuhay sa proyekto at layuning ganito para magkaroon ng progresong dama ng tao. Nagpugay din ang Pangalawang Punong-Bayan kay LEIPO Erminda V, Vicedo sa kanyang pagpupunyagi sa loob ng limang taon na makamtan ito nang tuluyan.
Naging saksi din sa aktibidad sina Konsehal Kristofferson “Bong” Urieta, SB JunJun Ventura, JB Dawates, Salvy de Vera at mga department heads maliban kina VM Bong at Gov. Ed.
Kinatawan naman ni Municipal Administrator Buena Fe F. Quiatchon ang ating Punong Bayan.