Skip to main content

Soft Launching Ceremony ng Alternative Learning System of Senior High School

Senior Highschool Alternative Learning System (ALS-SHS) sa Sablayan National Comprehensive Highschool
Ngayong ika-unang araw ng buwan ng Setyembre, isinagawa ang “Soft Launching Ceremony” sa paaralan ng National Comprehensive Highschool sa pangunguna at pamamahala ng mga kaguroan ng paaralan. Ang seremonyang ito ay bahagi sa pagbubukas ng Senior Highschool sa Alternative Learning System. Ang paaralan ng Sabnahis ay isa sa maswerteng napili bilang isa sa sampung paaralan sa buong Rehiyon ng MIMAROPA na magpatupad ng Senior Highschool sa Aternative Learning System. Hangarin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ng mga ALS learners ang kanilang pag-aaral sa mas mataas na level ng kanilang edukasyon.
Kaya naman ang ating Lokal na Pamahalaan ng Sablayan sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Kgg. Walter B. Marquez katuwang ang ating makisig na Vice-Mayor Edwin N. Mintu, ilang Kapitan ng bawat Barangay, ganun din ang iba pang mga sangay ng ating pamahalaan ay inimbitahan upang masaksihan at maging kaisa sa seremonyang ito. Sila ang syang magiging saksi at kaagapay sa pagbibigay ng tulong suporta sa programa upang lalo pa itong magtagumpay.
#GOALS:Level up na Ako sa ALS!
#batangsablayan

« of 2 »
Official Website of Sablayan Legislative Office