
Tamaraw Conservation Program (TCP) – Hon. Bong Urieta
𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Ayon sa Tamaraw Conservation Program (TCP), dekada 60’s nang simulang bumagsak sa 100 ang bilang ng Tamaraw. At mula noon, hindi na muling nakabalik pa sa isang libo (1,000) ang kanilang dami. Ito ay bunsod ng Rinderpest Outbreak (isang uri ng cattle plague o virus na pumaptay ng mga buffaloes, large antelope, deer, giraffes, wildebeests, at iba pa noong panahong iyon) na kumalat sa isla ng Mindoro kasabay ng paglago ng cattle industry maliban sa pressure ng illegal hunting at paoching. Kaya naman ang Tamaraw, na tanging sa Mindoro lamang matatagpuan, ay kabilang na sa listahan ng “critically endangered species”.
Nawa, ang House Bill 8299 o ang “Tamaraw Conservation Management Act” ay tuluyan nang maipasa para maisalba pa natin ang natitirang uri nila at upang maipreserba at muling maparami. Layunin nito na magkaroon ng permanent employees na mangangasiwa at magbabantay sa kanila. Gayundin ang layuning makapagtatag ng “Tamaraw Research Center” at ang pag-iinstitutionalize ng policies and programs.
💟💟💟
Nakikiisa ang tanggapan ni 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐕. 𝐔𝐫𝐢𝐞𝐭𝐚 sa adhikain ng TCP at nananalangin sa tuluyang pagsasabatas ng House Bill 8299 para sa kinabukasan ng ating natatanging likas na yaman, ang Tamaraw.
Sources: TV Patrol & Tamaraw Conservation Program (TCP)
#𝑻𝒂𝒎𝒂𝒓𝒂𝒘𝑨𝒕𝒊𝒏𝑰𝒕𝒐
#𝑹𝒆𝒑𝒍𝒆𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏𝑵𝒈𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈𝑻𝒖𝒏𝒂𝒚𝑵𝒂𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒆𝒏̃𝒐
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆
https://fb.watch/aoeJ96pAcy/