
TAPAT AT WASTONG PAGGAMIT NG PONDO NG TAUMBAYAN – Hon. Obet Zubiri
Sa pamumuno ni Governor Ed Gadiano, kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro bilang isa sa mga “2021 Good Financial Housekeeping Passer” ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ito ay base sa audit o pagsusuring isinagawa ng DILG kung saan naipasa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ang lahat ng pamantayan para sa mahusay na pamamahala pagdating sa accounting at auditing standards ng pamahalaan sa ngalan ng financial transparency, accountability at management.
Kinikilala nito ang katapatan at kaayusan ng Lalawigan sa pamamahala at paggamit ng pondo.
Itinuturing itong malaking tagumpay ng Lalawigan ng Occidental Mindoro sa pamumuno ni Governor Ed Gadiano, katuwang ang Sangguniang Panlalawigan, mga department heads at mga kawani ng ating probinsya.
#SerbisyongGanado