
Teachers Day
Isang makabuluhang araw ng Biyernes dahil tayo po ay naimbitahan sa Ligaya National High Schol at Sta.Lucia Elementary School para sa kanilang pagdiriwang ng Teachers Day. Gayundin sa Yapang National High School para sa kanilang isinagawang Oath Taking Ceremony para sa mga bagong halal na PTA, HPTA, SSG, at mga Class Officers kasama po natin si PSDS Dr. Marilyn Pille.
Kaalinsabay nito tayo din po ay nakiisa sa ginanap na Kasalang Bayan na may (50) pares na nag isang dibdib sa Sablayan Convention Center kasama ang ating mga Sangguniang Members, Mayor Walter ‘Bong’ Marquez, Vice Mayor Edwin N. Mintu, at Atty. Melvie Silverio-Dacayanan ng Municipal Civil Registrar Office.