
TILAPIA CULTURE PROJECT, PANTAWID SA KAHIRAPAN
Kaalinsabay ng 3rd Annual General Assembly ng Pantawid Pamilyang Pilipino Association sa Barangay Claudio Salgado, isinagawa din ang harvest festival ng mga tilapyang bahagi ng Balik- Sigla sa Agrikultura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, Setyembre 26.
Bagamat ang aning tilapya ay ang mga nalabi sa epekto ng pinagsanib na bagyong Fabian at Habagat, maituturing pa rin matagumpay ang proyekto. Kabahagi rin nila ang Claudio Salgado Vendors Association na siyang bumili ng huling isda.
Ayon kay Pangulong Rolando Cadacio, lubos nilang kinikilala ang tulong ni Gobernador Eduardo B. Gadiano sa pagtawid sa kahirapan. Mula sa pagiging kasapi ng 4Ps na dati ay umaasa lamang sa Conditional Cash Transfer, ngayon ay isang nang matagumpay sa samahan na may ibat- ibang sustainable livelihood projects kagaya ng tilapia culture, pagmamanukan, bigasan at iba.
Lubos ang paghanga nina Bise- Mayor Bong B. Marquez, Sangguniang Bayan Alfredo C. Ventura, Jr., Mark Anthony O. Legaspi, PGO- Executive Assistant Clarinda Alvarez- Lorenzo, PGO Consultant Fernando B. Dalangin at Conchita H. Dimaculangan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Association dahil maayos na pamamamahala ng organisasyon.
Ayon kay Marquez, maaari na ito pumaimbulog sa mas mataas na lebel ng civil society organization at ito ang kooperatiba.
Dumalo din ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist at si Punong Barangay Rodrigo J. Nuñez sa aktibidad.