
TINGNAN – Pinasinayahan nina Gob Ed Gadiano at VM Bong Marquez ang 2 solar dryer na naipatayo sa Brgy. Ibud, Sablayan, Occidental Mindoro, Hunyo 4, 2021
Sa pamamagitan ng mga pasilidad na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan mas mapapabilis ang produksyon ng mga aning bukid sa barangay na tutugon sa pangangailangan sa merkado.
Sinaksihan nina Kap Virgilio Baoan, Bokal Edwin Mintu, SB Junjun Ventura, SB Mcking Legapsi, PGO OIC Clarinda Alvarez at konseho ng Barangay Ibud.