
Ipinagkaloob Nina VM Bong B. Marquez at PSWD Staff Glory A. Dela Cruz ang halagang P30,000.00 para Samahan ng Mangingisda ng San Nicolas (SAMASA)
TINGNAN: Sa atas ni Gob Ed Gadiano ay ipinagkaloob nina VM Bong B. Marquez at PSWD Staff Glory A. Dela Cruz ang halagang P30,000.00 para Samahan ng Mangingisda ng San Nicolas (SAMASA) bilang puhunan sa kanilang proyektong Payao. Kasabay nito ang 8 indibidwal mangingisda na nabigyan din ng nasabing ayuda, ika-12 ng Enero, 2022.
Ang gawin ay tanda ng patuloy na pagkalinga ay pagtupad nina VM Bong at Gov Ed sa kahilingan ng mga mangingisda na maagapayan sila sa kanilang kabuhayan. Taos sa puso naman ang pasasalamat ni Ryan Acosta na siyang chairman ng samahan sa tinanggap nilang tulong at malaki umano ang maitutulong nito na tiniyak nilang susuklian ng katapatan ang mga ayudang ipinagkaloob sa kanila.