
TRABAHO PARA SA 35, NAGSIMULA NA
Pormal nang nag-umpisa sa trabaho ang mga 35 kawaning napabilang sa Government Internship Program ng Department of Labor and Employment at sila ay itatalaga sa Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan, Tanggapan ng Sangguniang Bayan, Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Bayan- Legislative Tracking and Monitoring Analysis Project o LTMAP at sa iba pang extension programs, kung saan tatagal ito nang anim na buwan o mula Hunyo 1- Disyembre 7, 2021.
Ang internship program ng DOLE ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga nakatapos ng high school, technical-vocational na kurso at kolehiyo na makapag- trabaho. Bukod sa sweldong P320 bawat araw, kasama din ang insurance coverage sa kanilang mga benepisyo.
Ipinagpasalamat ni Vice- Mayor Bong B. Marquez ang tulong na ito kina Regional Director Joffrey M. Suyao at Provincial Director Bernardo B. Toriano ng DOLE, lalo na’t ang Sangguniang Bayan na kanyang pinamumunuan ay nangangailangan ng mga kaukulan at balidong datos sa mga pagbalangkas ng mga polisiyang pambayan. Para mangyari ito, nangangailangan ito ng mga taong mangangasiwa sa research at mga panayam.
Ipinagmalaki din ni Marquez ang magandang ugnayan ng kanyang tanggapan at DOLE para sa mas malawak na akses ng mga taga- Sablayan sa serbisyo ng Pamahalaang Nasyunal.
Inaasahan din na madadagdagan pa ang manggagawang ito para sa kaparehas na programa sa tulong ni Gobernador Eduardo B. Gadiano.