Tulong Pinansiyal Para Sa Mga Ipapatayong Communal Toilet Sa Komunidad Ng Mga Katutubo Sa Brgy. Kurtinganan, Bayan Ng Sta. Cruz

TULONG PINANSIYAL PARA SA MGA IPAPATAYONG COMMUNAL TOILET SA KOMUNIDAD NG MGA KATUTUBO SA BRGY. KURTINGANAN, BAYAN NG STA. CRUZ
Personal na iginawad ni Governor Ed Gadiano ang tseke na nagkakahalaga ng Php 100, 000.00 para sa Financial Assistance na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa Brgy. Kurtinganan, Sta. Cruz.
Tinanggap ito ni Barangay Captain Joseph Molleno at mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Ito ay tugon ni Governor Ed Gadiano sa naging kahilingan ng nasabing barangay sa kanyang naging pagbisita kung saan ilalaan ang tulong pinansyal para sa pagpapagawa ng dalawang communal toilet sa mga komunidad ng mga katutubong Mangyan sa nasabing Barangay.
Labis ang tuwa ng Brgy. Kurtinganan para sa katuparan ng kanilang kahilingan at ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat kay Governor Ed at Pamahalaang Panlalawigan.
#SerbisyongGanadoGadiano


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office