Skip to main content

TUPAD SA SABLAYAN, IPINAGPAPATULOY


Patuloy sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro ang programang kung tawagin ay TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng oryentasyon sa programa, paglagda sa kontrata at pamamahagi ng PPEs, Nobyembre, 24-25, 2021, sa Poblacion Multi-Purpose Hall sa Brgy. Poblacion ng nasabing munisipalidad. Ito ay sa pamamagiytan ng inisyatiba ng A-Teacher Party List na matagal nang kaugnayan tungkol sa programa ni Vice-Mayor Bong Marquez kahit noong nasa Mayor’s Office pa lang siya.
Kasama sa mga naging pangunahing nagpatupad ng gawain ay sina Randolph B. Reyes at Euvert Gil M. Harina ng Department of Labor and Employment (DOLE) Provincial Office. Matatandaan na ang TUPAD ay isang community-based assistance na nagbibigay ng pansamantalang kagyat na trabaho para sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho, mga hindi permanente ang trabaho, at mga seasonal workers. Ito ay nasa ilalim ng kagawaran at layong magbigay ng gawain sa loob ng 10 araw o higit pa na hindi lalampas sa isang buwan.
Noon pa man ay isinulong na ni VM Bong Marquez ang programang TUPAD at isa ang Sablayan sa kauna-unahang mga bayan sa lalawigan na pumailalaim dito. Sa pamamagitan niya, maraming mga kababaihan sa mga sentrong barangay ng munisipyo. Tiniyak rin ng pangalawang punong-bayan na lalo pang mapapalaganap ang mga lalahok sa TUPAD at mas maganda umanong higitan ng kasalukuyang bilang ng mga benipisaryo sa mga susunod na panahon.
Nagbisita at nagbigay rin ng maikling mensahe sina Board Member aspirant Ryan Gadiano Sioson, SB Junjun Ventura, SB Mcking Legaspi, SK President Marffin Dulay at SB aspirant Nanding Dalangin.

« of 2 »
Official Website of Sablayan Legislative Office