Skip to main content

Turn-Over Ceremony ng Duly-Renovated Tuna Processing Plant


𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Kanina, nakiisa ako sa isinagawang Turn-Over Ceremony ng Duly-Renovated Tuna Processing Plant sa lokal na pamahalaan ng ating bayan. Ito ay mula sa inisyatibo ng National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) at pakikipagtulungan ng Bureau of Agricultural Research (BAR) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa proyektong ito, ang mga lokal na samahang pangkababaihan sa ating bayan ay may kakayahan ng pasukin ang agribusiness, partikular na ang pagpoproseso ng mga high-quality tuna products. Gayundin, makapagbibigay ito oportunidad para sa mga lokal na mangingisda na iproseso ang kanilang mga huling isda ‘twing peak season kung kailan ang presyo ng isda ay may kababaan.
Nakasama ko sa naturang gawain ang #InaNgOksi Congreswoman Josephine “Nene” Ramirez-Sato, Mayor Andy Dangeros, at ilang mga opisyal.
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆

Official Website of Sablayan Legislative Office