
Tuwing kati (low tide), pamilyar nang tanawin sa mga dalampasigan ng Sablayan ang mga mamamayang namumulot ng shell na kung tawagin ay “sikad-sikad” o ang tinatawag na “jumping shell”
Ayon sa mga matatanda, mabuti ang sigay na ito sa mga nagpapasusong nanay at maraming benepisyong pang-kalusugan mula rito.
Ang sikad-sikad ay pwedeng adobohin, gataan, gawing tinola o simpleng sabawan lang.
Ang sikad-sikad ay isa sa mga paboritong sigay ng mga Bisaya na siyang mga naunang nanirahan sa Sablayan noong mga 1800. Ang “sikad” ay mula sa salitang English na “kick” o “sipa” sa Tagalog. Ito umano ay tinawag na ganito dahil gamit nito ang kanyang mga kuko sa paglunday sa buhanginan o batuhan lalo tuwing “kati”. Kahit sa panahon ng mga modernong gadget, marami pa ring masayang nangunguha nito habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Bihi-bihira sa mga kabataan ng Sablayan ang hindi naranasang manguha o mamulot ng sikad-sikad sa Busaran, Poblacion, Aplaya, Ligaya, at iba pa.