Skip to main content

UPLAND FARMING TRAINING, ISINAGAWA


Pinangasiwaan ng Agricultural Training Institute Rehiyon MIMAROPA ang 3 araw na Training Course on Upland Natural Farming for Indigenous Cultural Communities na dinaluhan ng 20 kinatawan mula sa katutubong pamayanan ng Mauring, Siaden, Tulaleng, Puting Bato, Bedbed, Malawaan, Malangis at Hulo- Ibulo na sakop Barangay Pag-asa, Sablayan, Occidental Mindoro sa ATI Café Hall, Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro na isinagawa kamakailan lamang.
Malapit na sa hangganan ng Sablayan at Victoria, Silangang Mindoro ang mga nabanggit na pamayanan. Hindi naging handlang ang pagbagtas sa kabundukan at pagtawid ng malalaking ilog maging bahagi lamang ng pagsasanay.
Bukod sa mga katutubo, naging bahagi din ng pagsasanay sina VM Bong, Sangguniang Bayan Alfredo C. Ventura, Jr., Mark Anthony O. Legaspi at IPMR Ruben C. Aldaba.
Kagyat na tugon ito ni Direktor Pat Andrew B. Barrientos sa kahilingan nina Gobernador Eduardo B. Gadiano at Bise Meyor Bong B. Marquez na makapag- lunsad ng mga pagsasanay sa pagpapaunlad ng agrikultura gamit ang katutubong pamamaraan at kultura. Tampok sa pagsasanay ang pagpili ng akmang pananim, paghahanda ng lupa, seed/ seedling management, crop cultural management, fertilization, pest and disease management, harvest and post-harvest technology, marketing, marcotting, grafting, Sloping Agricultural Land Technology (SALT) at iba pa.
Ambag rin ng Agricultural Training Institute ang pagsasanay sa direktiba ng Pangulong Rodrigo R. Duterte na maghatid ng programa ang mga ahensya sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas para wakasan na ang kahirapan at ang armadong pakikibaka.
Hinikayat din ni Bise- Meyor Marquez ang pagbabahagi ng kanilang mga natutunan sa iba pang katutubo upang mapaunlad ang sustinableng pagsasaka.
Nagkaloob din ng mga butong gulay, kagamitan sa paghahalaman, mga damit at pagkain ang ATI at ang Sangguniang Bayan ng Sablayan.

« of 2 »
Official Website of Sablayan Legislative Office