
VM BONG AT GOV. ED, NAKIPAGPULONG SA ALL NATIONS MISSION PASTORS
Nakipagtalastasan sina Vice-Mayor Bong Marquez, Gov. Ed Gadiano, Congressional aspirant Leody “Odie” Tarriela at Bokal Diana Apigo-Tayag sa mga hanay ng pastor at mga manggagawa ng All Nations Mission Pastors and Workers Meeting sa Sitio Barucan, Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro, ika-2 ng Nobyembre, 2021.
Ang All Nations Mission ay isa sekta ng pananampalataya na labis na tumutulong sa mga mahihirap, kabilang ang mga kabataan at katutubo na may lugar sambahan dito sa bayan ng Sablayan.
Sa pagpupulong na kung kalian naimbitahan si VM Bong, Gov. Ed at mga kasama, sa kanyang pagbabahagi ay sinabi ni VM Bong na napakahalaga ng pagtatatag ng mga programang pang-espiritwal sa Sablayan pero nararapat din itong suhayan ng mga sangay na pang-ekonomiya o economic arm para sa mga lingkod ng Diyos dahil dama niya ang kalagayan ng mga manggagawa ng simbahan. Ikinalugod din ni VM Bong ang pagtatatag at pagpapatuloy na paggampan ng Spiritual Council para pataasin at pabanalin ang ugnayan ng tao sa Diyos at Diyos sa tao. Naniniwala rin siya na ang pagiging lingkod-bayan ay dapat ring maging tapat na lingkod ng Diyos.
Kasama rin sa pulong-ugnayan at saksi dito sina SB Junjun Ventura, SB Mcking Legaspi, SB Marffin Dulay, SB aspirant Clarinda Alvarez, SB aspirant Nanding Dalangin, SP aspirant Gilbert Tria.