Skip to main content

VM BONG, NAG-DONATE NG DUGO


Sa layunin ng Philippine National Red Cross (PNRC) na makakalap ng dugo para sa mga nangangailangan, bukal sa loob na nag-donate ng kanyang dugo si Vice-Mayor Bong Marquez sa isang aktibidad ng bloodletting na may temang “Dugo ng iba’t-ibang kapatiran, tugon sa pangangailangan ng kapwa at bayan”.
Sa kanyang mensahe, paghanga, pakikiisa at pagsaludo sa mga kapatiran o fraternity ang ipinabatid ni VM Bong, sa kanilang inisyatiba para sa pagliligtas ng buhay at iba pang makataong gawain. Kasama rin sa nakiisa sa programa si Konsehal Greg Villar ng bayan rin ng Sablayan.
Ang programang ito ay nakabatay sa layunin ng Red Cross na makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo sa mga nangangilangang pasyente, at sa pamamagitan ng nito, malawakan at lalong magiging makatotohanan ang hangarin ng PNRC na makatulong.
Ginanap ito sa Siburan Hall, Municipal Building, November 13, 2021. Ang Blood Letting Event na ito, maliban sa Krus na Pula, ay joint activity ng Alpha Kappa Rho, Tau Gamma Phi/Sigma at Magic Five sa pakikipagtulungan sa MDRRMO.
Naniniwala si VM Bong na sa pamamagitan ng ganitong pagbabahagi ng dugo, makakatulong tayong tumalima at tumugon sa lumalalang pangangailangan ng dugo lalo na sa panahon ng sakuna at karamdaman. Aniya, ganito kahalaga ang dugo sa buhay ng tao.

 

Official Website of Sablayan Legislative Office