Skip to main content

VM Bong, Recipient ng 2021 Saludo Awards


Tinanggap ni Vice-Mayor Walter “Bong” Marquez ng bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro ang 2021 Saludo Humanitarian and Leadership Excellence Awards at siyang nag-iisang ginawaran ng parangal mula sa lahat ng bise-mayor sa bansa, ika-19 ng Marso, 2022. Ang parangal ay ipinagkaloob sa Manila Hotel (Centennial Hall). Kabilang din sa mga tumamanggap ng pagkilala ay sina Bokal Diana Credo Apigo-Tayag at Occidental Mindoro Governor Eduardo B. Gadiano.
Napili ang tatlong lider ng lalawigan sa pamamagitan ng malawakang pambansang pananaliksik na isinagawa noong nakaraang taon ng organisador ng gawad parangal. Ang Saludo Awards ay kakambal ng pamosong Gawad Sining Film Festival na ibinibigay naman sa mga artista ng bansa sa iba’t-ibang larangan gaya ng pag-arte, pag-awit, at iba pang kultural na obra. Maliban sa pagiging entertainment award giving body, ang akademya noong nakaraang taon ay pinalawak at sinakop na rin ang antas ng humanitarian and leadership excellence na natanggap nga nina Gov. Ed, Bokal Dianne at VM Bong. Ang Gawad Sining at Saludo Awards ay pinamunuan ng Board of Director na sina Mathew Ignacio, Bahjo Cabauatan, Onin Estrella at Lorna Yap.
Kabilang sa mga binigyan ng award na mula sa LGU ay si Mayor Emerson “Emeng” Pascual ng Gapan, Nueva Ecija at Vice-Mayor Honey Lacuna ng Lungsod ng Maynila. Ito ay dahil sa kanilang naiibang sistema sa pagtulong sa mga kababayan nila noong panahon ng COVID-19 pandemic. Ang Saludo Awards ay pagkilala sa mga mabubuting gawain ng mga organisasyon at indibidwal na naglalayong matulungang lumago ang mga pamayanan at yumabong lalo na sa panahon ng hirap at ligalig.
Nanalo din ang Kapuso mo Jessica Soho bilang Best Magazine TV Program, 24 Oras, Best News Program, at ASAP, Best Variety Show on Television. Kabilang ang all-girl band na Bini at Best Boy Group ang BGYO, Bugoy Drilon bilang Most Best OPM singer at Daryl Ong bilang Most Outstanding RNB singer, at marami pang iba.
Lubos na nagpasalamat si VM Bong sa mga bumubuo ng Saludo Awards, sa kanyang pamlya, lalong higit sa mga mamamayan ng Sablayan. Ayon kay VM Bong, “Ang karangalang ito ay ating ipinagkakaloob sa mamamayan ng Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro dahil sa inyong pagtitiwala, nakamit po natin ang pagkilala sa ating mga ginagawa.” Kasama ang kanyang may-bahay na si Engr. Maelynne, tinanggap ni VM Bong ang parangal na dumagdag sa maraming mga panibagong achievements na kanyang nakamit sa pagiging lingkod-bayan.

« of 2 »

Official Website of Sablayan Legislative Office