
WALANG PASOK: Sa bisa ng Executive Order No. 15 Series of 2021 na nilagdaan ni Governor Ed Gadiano
Sa bisa ng Executive Order No. 15 Series of 2021 na nilagdaan ni Governor Ed Gadiano, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang pasok sa lahat ng Local, National at Private offices sa buong Lalawigan ng Occidental Mindoro epektibo simula ngayong araw, July 22, 2021 hanggang bukas July 23, 2021.
Bahagi ito ng pagpapalawig sa kaligtasan ng bawat isa sanhi ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng hanging habagat na pinalalakas pa ng bagyong Fabian.
Muli pong paalala sa publiko na maging mapagmatiyag at mag-ingat lalo na sa mga nakatira sa baybaying-dagat at bulubundukin upang makaiwas sa anumang uri ng sakuna.
Maraming salamat po!
Source: PGO Occidental Mindoro
#SerbisyoAtMalasakit
#SerbisyongGanadoGadiano