WEBSITE AT ELFIS NG SB, INILUNSAD


Inilunsad sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya ang website [www.sb.sablayan.gov.ph] ng Sangguniang Bayan ng Sablayan pati na ang eLFis o ang Electronic Legislative and Franchise Information System sa Legislative Building, Municipal Compound, Sablayan, Occidental Mindoro, Hulyo 5, 2021.
Ito ay isinagawa bago simulan ang ika-95 Sesyon ng Sangguniang Bayan. Ang paglulunsad ng SB website ay kasabay din ng eksaktong dalawang taon sa panunungkulan ng mga halal na mambabatas na nagtatampok ng pagbubukas nito sa pamamaraan at transaksyong digital na bahagi ng paperless access sa imporasyon at mga dokumento. Lalo na ang Electronic Legislative and Franchising Information System o eLFis na layong magpagaan sa pananaliksik at pagkalap ng mga datus at iba pang kaalaman ukol sa mga output at update sa mga ginagawa ng lokal na mababatas at mga tanggapang kanilang pinamumunuan.
Naging punong tagapagsalita sina Asec Ariel Macario M. Gaan ng ICT Academy ng DICT at si Mary Grace G. Soriano, General manager ng My Creative Panda Web Design and Development Consultancy Services. Nabigay ng kanyang natatangging mensahe si Carlo C. Garcia na siyang CEO ng My Creative Panda.
Si G. Rommel D. Neypes ang naaatasang maging administrator ng eLFis sa Sablayan at sinabi nitong ngayon ay maaring nang ma-akses ang website sa www.sb.sablayan.gov.ph.
Sa pamamagitan ng SB website magiging madali ang mga ugnayan at maiiwasan na ang matagal na transaksyon at pisikal na presensya ng mga kliyente lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.
Sa kanyang pangwakas na mensahe, sinabi ni Vice-Mayor Walter B. Marquez na ang website ay isa lamang sa malaking bahagi ng pagtugon ng Sangguniang Bayan sa ilalim ng kanyang pamumuno sa karapatan sa impormasyon ng mga mamamayan at sa pagiging bukas at hayag sa lahat ng mga transaksiyones at gawain ng Sangguniang Bayan, na iniaatas naman ng batas.


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office